LIDERATO NG NAVY, PABOR SA PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP

PABOR ANG LIDERATO ng Philippine Navy sa Public-Private Partnership program ng pamahalaan.
Ito ay upang matugunan na ang pangangailangang pondo ng nasabing service unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang modernization program.

Ayon kay PN Acting Public Information Office Chief Capt. Giovanni Bacordo, partikular na kailangan ng kanilang shipyard sa Naval Station Pascual Ledesma ang nasabing programa upang makapag-generate ng income na hindi na aasa pa sa pamahalaan.
Nilinaw naman ni Bacordo na hindi ipinagbibili ang nasabing shipyard sa sinumang investor maging local or foreign man.

Ayon sa navy official, nais lamang nilang magkaroon ng pondo upang maipagpatuloy ang pag-repair sa iba pang barko na matatanda na para naman magamit sa iba’t ibang operasyon gaya ng rescue, transportasyon, at paghahatid ng relief goods kapag may kalamidad.

Sinabi pa ni Bacordo na sa kabuuang budget na alokasyon sa Navy, 68% nito ay napupunta sa services gaya ng suweldo, 32% para sa maintenance and operation habang walang inilaan para makabili ng barko o kahit spare parts lamang.

Paliwanag pa ng opisyal na labis na nakalulungkot dahil may mga barkong sa sobrang tanda o mahigit 30 taon na at sira na ay wala silang magagawa kundi i-decommission na lamang, subalit wala namang replacement.

Ngayon aniya, nagtitiyaga na lamang ang Navy na gawin ang ibang mga barko, subalit inaming kapos na rin ang pondo kaya umaasang maisasakatuparan ang proyekto.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.