Liderato ng ABRECO, kinondena Transparency, hiniling

 

NAGHIHIMAGSIK ANG MGA miyembro ng Abra Electric Cooperative (Abreco), partikular ang mga magsasakang kabilang sa 40,000 nitong kliyente laban sa ipinapalagay na pagkontrol ng utility ni General Manager Loreto P. Seares Jr., na napuwesto sa liderato noong Oktubre 2007 nang walang kaalam-alam ang mga miyembro ng kooperatiba, gamit ang isang walang numerong board resolution upang amyendahan ang batayan para sa posisyon.

Ang mga miyembrong ito ng kooperatiba ay kumuha na ng abogado upang ipursige ang kanilang reklamo, na nakalagak sa Cooperative Development Authority (CDA), at nais nilang buksan ang libro ng nasabing utility at ipatupad ang isang patakaran ng transparency sa pagpili ng general manager.

Si Seares, isang malapit na kamag-anak ng natalong si Abra Rep. Cecilia Luna, ay itinalaga sa kabila ng naunang pagtanggi ng board na siya ang piniling mamahala sa kooperatiba.

Natalo si Luna noong halalan noong Mayo 2010.

Noong nakalipas na taon, isang pagsisiyasat ang isinagawa sa Kongreso ng committee on cooperatives hinggil sa pagkakatalaga kay Seares.

Pinamahalaan ng National Electrification Administration (NEA) ang Abreco hanggang sa maging provisionally registered ito sa Cooperative Development Authority (CDA) noong 1993.

Na-extend ang registration na ito hanggang noong 1995.

Hinayaan ng NEA ang utang ng kooperatiba, na nangangahulugang public funds ang ginamit sa operasyon nito mula noong 1993.

Sinabi ng mga nagrereklamong miyembro na nanatiling makapangyarihan ang pamilya Luna sa Abreco sa pamamagitan ni Seares, na naitalaga matapos ang isang kahina-hinalang pag-amyenda sa by-laws ng coop at biglang hinayaan ang isang hindi tapos ng kolehiyo na makontrol ang utility.        (MARY H. SAPICO)

 

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.