Lider ng pentagon KFR, patay na

PATAY NA BUNSOD ng sakit ang lider ng kilabot ng Pentagon Kidnap for Ransom Group na si Tahir Alonto.

Ito ang kinumpirma ni Col. Leopoldo Galon, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command kahapon.

Ayon kay Galon ang sakit na matagal nang iniinda ni Alonto ang ikinamatay nito habang nakaratay sa Brgy. Langapanen, Sultan Sa Barongis sa Maguindanao.

Ang labi ni Alonto ay ili-libing sa Brgy. Balongis, Pagalungan kung saan residente ang kanyang kaanak.

Labis na kinatakutan si Alonto dahil sa kinaaniban nitong grupo ng pagdukot, kung saan may operasyon sa Central Mindanao.

Noong 1999 ay nadakip si Alonto ng 601st Brigade sa pamumuno ni Col. Lorenzana sa Brgy. Apopong, General Santos City.

Kinasuhan ito ng multiple murder nang dukutin si Dr. Cavalida ng Digos City noong 1999. Napatunayang guilty sa sala ng General Santos Regional Trial Court kasama ang kanyang mga tauhan.

Gayunman, nakatakas si Alonto sa tulong ng kanyang mga kasamahan na uma-take sa Gen San City Jail sa pamamagitan ng pambomba gamit ang rocket propelled grenade at iba pang matatas na kalibre ng baril noong November 2000.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.