Lider ng NPA, Timbog sa Negros Occidental

NASAKOTE NG TROPA ng pamahalaan ang isang hinihinalang lider ng komunistang New People’s Army (NPA) sa bayan ng Valladolid, Negros Occidental.

Kinilala ito na si Romeo Nanta alyas Ka Juaning, 53, at residente ng Brgy. Tabao, Valladolid.

Ayon kay P/Supt. Arnel Arpon, hepe ng Cadiz City Police Station, si Ka Juaning ay nahuli sa joint operation ng PNP at Philippine Army sa Cadiz City.

Ito ay batay sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery in Band na ipinalabas ng Regional Trial Court branch 59  sa San Carlos City.

Nasa custody na ngayon ng San Carlos City PNP si Nanta at nahaharap sa karag-dagang kaso na murder, frustrated murder at rebellion kaugnay sa kanyang partisipasyon sa ilang sagupaan ng mga rebelde.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.