Lider ng NPA, nasakote sa Negros Occidental

BACOLOD CITY – MULING nakaiskor ang pamahalaan kontra sa New People’s Army (NPA) makaraang maaresto ang isang pinaniniwalaang lider ng rebelde sa lalawigang ito.

Kinilala ito na si Diro Pancho, alyas Ka Ariel, intelligence officer ng Komiteng Rehiyonal-Negros ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) at finance at logistic officer ng Northern Negros Front.

Si Pancho ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa public market sa Escalante City.

Sa bisa ng warrant of arrest, hindi na nakapalag pa si Ka Ariel na  nasa order of battle sa mga key cadres ng NPA sa Negros.

Si Pancho ay may kasong arson na nakasampa sa San Carlos City Regional Trial Court at may kaso ring kriminal sa Negros Oriental.

Nakumpiska kay Sanchez ang dalawang cellphones, anim na SIM cards, motorsiklo at personal na gamit.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.