Lider ng hi-way robbery at carnapping, arestado sa Albay

ARESTADO ANG ITINUTU-RONG lider ng kawatan na sangkot sa highway robbery at carnapping  sa  lalawigan ng Albay.

Ayon kay Chief Insp. Diego Lopez ng Ligao PNP, nagkaroon sila ng operasyon sa Brgy. Tastas sa naturang  lungsod kung saan nadakip si Ariel Bacong, umano’y  lider ng grupo na may operasyon sa  iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Kumpiyansa ang awtoridad na sa pagkakadakip kay Bacong ay maituturo nito ang kasabwat sa pagnanakaw sa kanilang lugar, o mismong sa buong Bicol region.

Sa record, nadungisan ang imahe ng pulisya dahil sa mga carnapping incident.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.