Lider ng Gun For Hire, Todas sa Riding In Tandem

TODAS ANG isang lalaki na umano’y leader ng gun for hire sa Gitnang Luzon, partikular sa Bulacan, Nueva Ecija at Pampanga matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Sitio-1 Brgy. Bahay Pare, Candaba, Pampanga habang sugatan naman ang kapitan del barrio na nadamay sa pamamaril.

Sa ulat na nakarating sa Pampanga Provincial Police Office, kinilala ang napatay na si Romy Trinidad Y Marcelo alyas ‘Pre-cast’, nasa hustong gulang, residente sa nabanggit na lugar, habang sugatan naman si Brgy. Chairman Orlando Mangulabnan ng Brgy. Dulong Bayan sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa biktima.

Ayon sa mga saksi, kasalukuyang nag-uusap ang barangay chairman at ang nasawing biktima sa harap ng isang tindahan nang bigla na lamang dumating ang dalawang lalaki lulan ng motorsiklo na walang plaka at walang sabi-sabing pinaputukan si Trinidad kung saan nadamay ang kapitan.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na si alyas Pre-cast ang itinuturong amo ng gunman na bumaril at pumatay kay PO2 Rafael Bartolome ng CIDG-Bulacan nito lamang nakaraang Mayo 13, 2012.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Candaba Police kung sino ang nasa likod ng pamamaslang sa naturang leader ng gun for hire.

 (TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.