LIDER NG DOMINGUEZ CARNAPPING GANG, TIMBOG

KINUMPIRMA ni Quezon City Police District Director, Chief Supt. Benjardi Mantele na nasa kustodiya nila si Roger Dominguez, ang lider ng notoryus na Dominguez Carnapping Group.

Si Roger ay kapatid ni Raymond Dominguez na una nang sumuko sa Bulacan PNP na kinalaunan ay kinasuhan ng car theft with homicide.

Ayon kay Mantele, aksidente ang pagkakahuli kay Roger nang harangin ng Quezon City anti-carnapping unit ang isang sasakyan na counterflow at natuklasan lamang na si Roger pala ito.

Sinasabing unang nagpakilala ito na miyembro ng PNP subalit nakilala ito ng mga awtoridad.

Sina Roger at Raymond ang itinuturong nasa likod ng pagpaslang kay Venson Evangelista, car dealer na sinunog noong isang buwan.

Ang Dominguez brothers ay nahaharap sa 28 criminal cases sa iba’t ibang korte sa Bulacan at Pampanga noong 2007. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.