Lider ng Alakdan Robbery Group, Arestado

STA ROSA, NUEVA Ecija – Matapos ang mahabang pagsubaybay ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch (PIB),  nadakip na ang lider ng “Alakdan Robbery Group” na sangkot sa kaso ng Robbery Hold -up, Gun for Hire at Carnapping sa lalawigang ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Ricardo Villanueva kay P/SSupt. Roberto Aliggayu, kinilala ang nadakip na suspek na si Ponciano Germino, 39 anyos, ng Brgy. Lourdes sa bayang ito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10:30 ng gabi nang madakip ang suspek habang dahan-dahang naglalakad papalayo akay-akay ang isang motorsiklo sa Brgy. Poblacion sa nabanggit na bayan. Nakuha mula sa suspek ang isang cal.45 na baril at mga bala.

Nabatid mula sa nadakip na lider na sila ang umano’y responsable sa 17 Robbery Hold-up sa naturang lalawigan. Inamin din ng suspek na kakaunti na lamang ang natira sa kanilang grupo, dahil ang iba sa kanila ay nahuli na at ang iba naman ay napatay sa mga engkwentro kamakailan lang.

Si Germino ay mayroong mga pending Warrant of Arrest mula sa Br-25 ng Nueva Ecija RTC at MTCC ng Cabanatuan City.

Samantala detenido nga-yon ang suspek sa Nueva Ecija Provincial Jail. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.