Libu-libong Pirated CDs at Video Karera, Sinira

SINIRA NG mga opisyal ng lungsod ng Maynila ang nasa 30,000 pirated compact discs, dose-dosenang video karera machines at fruit game units na nakumpiska sa Quiapo area sa Maynila kahapon.

Pinangunahan ng Office of the Mayor at ng mga kapulisan ng lungsod ang pagwasak sa mga nasabing kagamitan.

Base sa report, ginamitan ito ng sledgehammer upang hindi na magamit o maibalik pa sa mga bangketa.

Ginawa ang pagwasak sa mga iligal na CD at makina sa harapan mismo ng Bonifacio Shrine na sinaksihan naman ng mga residente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.