Libro ni Dan Brown, Iboykot –Obispo

MAS MABUTING i-boykot ng mga Pinoy ang libro ni Dan Brown na “Inferno” dahil sa ginawang pag-alipusta sa Metro Manila na tinawag na “gates of hell”.

Ito ang payo ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz dahil nagpapapansin lang aniya ang nobelista para mabili ang kanyang bagong libro tulad ng ginawa nito sa “Da Vinci Code”.

Aminado ang arsobispo na malubha ang traffic, prostitusyon, krimen, polusyon at kahirapan sa Metro Manila ngunit hindi aniya tamang tawagin ang lugar bilang gates of hell.

Sinabi pa ni Archbishop Cruz na hin¬ding-hindi niya ipagpapalit sa ibang bansa ang kagandahan na manirahan sa Pilipinas dahil umiiral dito ang pagpapahalaga sa paghahanap ng katotohanan, respeto sa kapwa at kapayapaan.

Pinayuhan din ni Archbishop Cruz ang administrasyong Aquino na tanggapin na lamang bilang hamon ang mga puna ng mga dayuhan para ayusin ang pamamahala sa bansa.

Samantala, una na rito ay pinalagan ng ilang lider at mananampalataya ng Simbahang Katoliko ang nabanggit na manunulat sa dalawang naunang nobela na “Da Vinci Code” at “Angels and Demons” dahil naglalaman ng i-lang kontrobersyal na isyu bukod pa sa ilang maling impormasyon hinggil sa Simbahan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.