Libreng Gamot at Konsultasyon, Ilulunsad sa Bulacan

MAGLULUNSAD NG libreng check-up, at dental extraction ang volunteer doctors and dentists ng SM Foundation Inc.’s Medical and Dental Mission sa darating  na Mayo 3, 2012, na magsisimula ganap na alas-8 ng umaga sa Event Center ng SM City Baliuag.

Sa temang “Gamot Para sa Kapwa”, target nitong mabigyan ang mahigit sa 1,500 mahihirap na pamilya na walang kakayahang bumili ng gamot mula sa karatig-bayan.

Ayon kay Ms. Bev Cruz, Infomation Officer, kabi-lang din ang Red Cross sa aalalay at tutulong sa pag- monitor ng mga pasyenteng may high blood, sa weight measurement, gayundin sa body temperature. Magbibigay naman ang SMFI’s mobile clinic ng laboratory services kabilangn ang X-Ray at electrocardiograph (ECG). (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.