Libong Traysikel Drayber, Humiling ng Ligal na Terminal

UMAABOT SA mahigit sa isang libong tricycle driver ang dumagsa sa tanggapan ni Barangay Longos Chairman Ernesto Dela Cruz sa Malabon upang hilingin ang magkaroon sila ng ligal na terminal.

Ang Barangay Longos ang siyang pinakamalawak na barangay sa nasabing lungsod kung saan may labing-walong (18) samahan ng Tricycle Operator Driver Association (TODA) na may mahigit sa 1000 miyembro.

Ang bawat kalsada ay makikitang nagsisikip ang daloy ng trapiko dahil sa dami ng mga pumapasadang tricycle kaya ang mga pedestrian ay wala na halos madaanan.

Dahil dito, nakatakdang makipagpulong si Dela Cruz sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at kay Malabon DPSTMO chief Polet Tongkol para maligyan ang mga samahan ng TODA ng kanya kanyang ligal at disenteng terminal.

“Dapat magkaroon ng tamang paradahan ang mga pampasaherong tricycle para maging maayos ang daloy ng trapiko sa Barangay Longos,” wika pa ni Dela Cruz.

Nauna rito, naglagay si Dela Cruz ng mga CCTV camera sa iba’t ibang sulok ng Barangay Longos upang i-monitor ang mga kaganapan sa kanyang nasasakupang barangay kung saan sa sariling bulsa ni Dela Cruz kinuha ang ginastos sa mga inilagay na CCTV camera.

Ang barangay Longos ay nagsisilbing ehemplo sa 21 barangay sa naturang lungsod dahil sa katangi-tanging patnubay ni Dela Cruz na ang layunin ay mabigyan ang kanyang mga kabarangay ng tahimik at disenteng pamumuhay.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.