Libong deboto, sugatan sa Pista ng Nazareno

BASE SA report ng Department of Health (DOH), umabot na sa 879 na mga deboto ng Itim na Nazareno sa ginanap na prusisyon nito mula sa Quirino Grandstand patunong Quiapo Church ang naitalang nasugatan at nangailangan ng agarang medical attention.

Habang sinusulat ang balitang ito, maaari pang madagdagan ang bilang ng mga nasugatan at nahilo sa nasabing prusisyon dahil sa siksikan ng libu-libong deboto ng Poon.

Sa naturang bilang, nasa walong pasyente ang isinugod sa malalapit na pagamutan, dalawa ang na-stroke, dalawa ang nahirapang huminga, inatake ng high blood at fracture.

Sa report naman ng Philippine Red Cross (PRC) as of 2:00 PM, umaabot naman sa 366 mga pasyente na pawang mga deboto ng Nazareno ang kanilang nabigyan ng tulong-medikal.

Kabilang naman sa mga ito ang 135 na mga deboto na isinailalim sa blood pressure checkup, 227 na nagkaroon ng minor injuries habang nasa apat naman ang dinala sa ospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.