Libo-libong Baril Para sa mga Pulis, Ibinigay ni Pnoy

“TAPOS NA ang panahon ng pang-aapi sa ating kapulisan”

Ito ang tiniyak at tututukan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Philippine National Police (PNP) matapos pangunahan ang pamamahagi ng 22,603 piraso ng Glock 17 Generation 4 9-mm pistols.

Sa ginawang talumpati, pinapurihan ng Pangulong Aquino ang mga pulis sa dedikasyon at propesyunalismo nito kahit walang armas.

Tila naaapi aniya ang mga alagad ng batas na may tungkuling tiyakin ang kapayapaan at seguridad ng sambayanan ngunit “kapag tungkulin niyo na ang nakataya, magtiis kayo at huwag nang umasa.”

Kaya isang makabuluhang araw aniya para sa pambansang seguridad sa bansa.

Umpisa pa lang aniya ang mga baril na ito sa kabuuang 74,879 baril na ipamamahagi sa buong pulisya na binad-yetan ng P1.192 bilyon.

Layunin nitong maging 1:1 na police to pistol ratio na adhikain ni dating Interior Secretary Jesse Robredo.

Kasabay aniya ng pamamahagi ng baril, maiaangat ang kapasidad ng mga pulis na mabantayan ang taumbayan.

Umaasa naman ang Pangulo na mapapaigting ng PNP ang tungkulin nito sa hepe aniya ng bayan, ang taumbayan.

Sinabi ng Pangulo na partida pa na noong kulang sa modernong armas, bu-maba na ang kriminalidad, dapat ngayon mas lalo pa itong mapaliit.

Ayon pa kay PNoy, ang pagbaba ng antas ng carnapping, kidnapping; nabuwag ang maraming private armed groups at matagumpay na Oplan Katok.

Samantala, nagpapasalamat din ang Pangulong Aquino sa pagganap sa tungkulin ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP Chief Alan Purisima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.