Libel case ni Atty. Raymund Palad laban sa akin, dinismis ng korte!

HAY, NAKU! Ang ganda ng balitang sumalubong sa akin pagbalik namin galing Paris at ang pagpunta namin nina Lorna Tolentino sa Lourdes.

Tumawag sa akin ang abogado ko na dinismis daw at hind na umakyat sa korte ang kasong Libel na isinampa sa akin ni Atty. Raymund Palad.

Sa totoo lang, sa ibang column ko lumabas ang ibinalita ko noon tungkol sa kanya na ikinagalit niya, kaya kaagad na dinemanda niya ako, pati sina Ricky Lo at Salve Asis.

Ayun! Umepek yata ang pagligo ko sa milagrosong bukal ng Lourdes sa France kaya hindi umakyat ang kaso at dinismis nga ito ng piskalya.

I’m sure lalong nagalit sa akin ‘yan, pero ayoko na siyang iritahin pa dahil kawawa naman.

Sa totoo lang, gustung-gusto ko nga siyang abogado at wala namang malisya ‘yung naisulat ko sa kanya. Pero hindi man lang ako tinawagan o sinita, demanda agad!

Bakit ganu’n? Nadismis na nu’n ang kaso nila ni Katrina Halili laban kay Hayden, pati itong kaso niya sa akin na isinampa niya sa mismong lugar niya sa Valenzuela, hindi rin nagwagi.

Hayaan mo na nga! Basta bait-baitan na lang ako, ‘no! Kagagaling ko lang ng Lourdes, ‘no!

Ipagdasal ko na lang siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Libel case ni Atty. Raymund Palad laban sa akin, dinismis ng korte!

Leave a Reply

Your email address will not be published.