Lian Paz, tanggap na ng ina ni Paolo Contis – Lolit Solis

NAIRAOS NAMAN NAMIN ang 14th anniversary celebration ng Startalk nu’ng nakaraang Sabado kahit medyo nangapa pa kami sa mga bagong portion ng naturang showbiz-oriented talk show.

Isa sa malaking istorya namin doon ay ang pag-amin nina Paolo Contis at Lian Paz na malapit na silang magka-baby.

Hindi pa nga raw nila pinag-uusapan ang kasal dahil gusto nila mag-focus muna sa kanilang magiging anak at siyempre dapat mag-ipon pa si Paolo, ‘no!

Sabi naman nila, magpapakasal sila, at malamang kasali na raw ang baby nila sa kasal na iyun.

Live guest namin si Lian at natuwa naman ako sa kanya dahil ang ganda niyang magdala ng pagbubuntis, ha!

Hindi pa nga halatang buntis na ito, eh!

Nakikita ko namang masayang-masaya siya ngayon lalo na’t tanggap na ito ng pamilya ni Paolo.

Hindi nagustuhan ni Paolo ang pagiging close ng dating girlfriend niyang si Isabel sa pamilya nito dahil ang punto lang naman daw niya nandiyan na si Lian, eh.

Ang tingin niya kasi, kaya hindi agad natanggap ng pamilya ni Paolo si Lian ay dahil nandiyan pa si Isabel na minsan ay dumadalaw sa kanila.

Medyo naiyak nga si Lian nang binigyan ito ng magandang mensahe ng kapatid at Daddy ni Paolo.

Siyempre, tinanong ko bakit wa ang Mommy. Sey naman ni Paolo, hindi talaga lumalabas ang Mommy niya at hindi ito nagpapa-interview pero tanggap na tanggap na raw nito si Lian at excited sila sa magiging apo nila sa paborito niyang anak.

May mga ilan pang nagbibigay ng hindi magandang komento sa pag-amin nina Paolo at Lian, pero hindi na lang nila pinapansin. Ang mahalaga, masaya na sila at hindi na nila ito itinatago sa publiko.

MAY SEND-OFF party rin ang Startalk kay Manny Pacquiao na umalis na patungong Los Angeles, California nu’ng nakaraang Sabado ng gabi.

Dalawang beses pa ito kumanta nang live sa Startalk at mukhang kinakarir ang pagiging singer, ha!

Pagkatapos daw ng laban niya kay Cotto, meron pa raw siyang show sa Amerika na talagang dinadagsa ng mga kababayan natin doon.

Bongga nga ang Pacquiao nu’ng Sabado, sinusubaybayan siya ng HBO na kinunan ang guesting niya sa Startalk hanggang sa pamisa sa kanya sa GMA-7 bago ito umalis.

Handang-handa naman daw siya sa labang ito at siyempre marami tayong umaasang mag-uuwi siya uli ng karangalan dito sa ating bansa.

Pagkatapos ng laban ni Manny ay babalik siya agad dito para ipagpatuloy ang sitcom niyang Show Me Da Manny at meron pa siyang bagong show sa GMA 7.

May pelikula pa siyang Wapakman na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Lian Paz, tanggap na ng ina ni Paolo Contis – Lolit Solis

Leave a Reply

Your email address will not be published.