Lian Paz, isinilang na ang anak nila ni Paolo Contis!

Iniluwal na ni Lian Paz ang first baby nila ni Paolo Contis nu’ng Linggo ng madaling-araw sa St. Luke’s Hospital.

Pagkagising ko na lang nabasa ang text ni Paolo na finally nanganak na nga si Lian sa caesarian section, 4:58 ng umaga.

Ramdam ko ang excitement ni Paolo sa text niya na sobrang cute daw ang baby nila ni Lian. 7.8 lbs. ang timbang at 20.6 inches ang haba.

Kaagad na dinalaw ko sila sa hospital pero hindi ko nakita ang baby nila dahil nasa nursery pa ito.

Ipinakita lang sa akin ni Paolo ang ilang pictures at ang cute nga ng kanilang baby na pinangalanan nilang Xonia Aitana.

Hindi ko pa nakakausap si Lian dahil hindi pa siya puwedeng magsalita, at kaoopera lang nito.

Sobrang napagod ito sa halos dalawang araw na labor kaya nag-decide na rin sila na ipa-caesarian dahil apat na oras daw na pinu-push ni Lian, hindi pa rin lumalabas ang baby. Kaya para hindi ma-stress ang baby at para na rin sa safety ni Lian, ipina-opera na nila ito.

Siyempre, bongga ang line-up ng mga ninong at ninang ng first baby nina Paolo at Lian at dapat kasama rito ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kaya lang naniniwala sina Dingdong sa paniniwalang hindi dapat mag-ninong at mag-ninang ang magkasintahan, kaya sey ni Dingdong siya na lang daw muna, saka na lang si Marian.

Ilan pa sa mga nag-commit na mag-ninong at ninang sa binyag ni Xonia Aitana ay sina Jinkee Pacquiao, Benjie Paras, Raymart Santiago at Direk Dominic Zapata.

Malamang ngayong araw o bukas ay lalabas na ng hospital sina Lian at ang baby nito. Congratulations sa bagong magulang na sina Paolo at Lian.

BONGGA PALA ITONG grand fans day ng mga bagets cast ng First Time ng GMA-7 na sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Jhake Vargas at marami pa.

Nagkaroon sila ng mall show para i-promote lalo ang kanilang First Time sa SM San Lazaro nu’ng kamakalawa ng hapon.

Naloka kami sa sobrang dami ng tao at napaka-wild nila lalo nang nalaman nilang nagdatingan na ang mga bagets.

Ang ibang tindahan malapit doon sa stage ay nagsara at baka manakawan pa sila o masiraan pa sila dahil hirap na hirap na ang mga guwardiya para kontrolin ang mga tao.

Nu’ng tinawag pa lang sila, sobrang nagkagulo na at konti na lang baka magka-stampede pa roon.

Kaya nag-decide na ang SM management at ang production staff ng First Time na itigil na ang mall show para na rin sa kaligtasan ng mga taong nandu’n.

May mga ilang hinimatay na at ang iba ay parang gusto nang pasukin ang backstage, kung saan nandu’n ang mga artista.

Kaya pagkatapos ng opening number nila, kaagad na pinaalis na ang buong cast para hindi na lalong magkagulo at baka marami pang masaktan.

Dumiretso na lang sila sa Showbiz Central para humingi ng paumanhin sa mga pumunta roon na hindi na tinapos ang show.

Mas concern naman kasi nila ang mga taong nandu’n na baka mapahamak pa ‘pag magtagal sila roon.

Ganu’n kalakas ngayon ang mga bagets ng First Time na consistent ding mataas ang rating.

Marami pa raw silang mall show at school tour, pero sana huwag naman daw maulit ang nangyari roon sa SM San Lazaro na talagang hindi na makontrol ang sobrang dami ng tao.

By Gorgy’s Park

loading...

11 thoughts on “Lian Paz, isinilang na ang anak nila ni Paolo Contis!

    • baka ikaw wala kang inabot. maglaba ka muna at baka abutan ka ng amo mong nag iinternet lang, bobang bakla! hehehehe

    • magsama kau ni JERSEY GIRL PAREHO KAYONG WALANG INABOT. hehehe. at pareho nyo basahin ang librong ito available sa amazon para naman matuwid ang inyong kabobohan:Proper English: Myths and Misunderstandings about Language (The Language Library) by Ronald Wardhaugh

    • magsama kau ni KARMA NI MARIAN RIVERA BOBA. hehehe. at pareho nyo basahin ang librong ito available sa amazon para naman matuwid ang inyong kabobohan:Proper English: Myths and Misunderstandings about Language (The Language Library) by Ronald Wardhaugh

    • grabe knmn..ang baby na gawa bcoz of love bastardo kung twagin mo…

      baka ikaw ang bastardo…kawa2 knmn pati ang batang walang muwang idamay sa kabawan ng utak mo.

      kht hndi ksal basta nabuo dhl sa pagma2hal at kinila2 ng magulang love child un…regalo prin ni god na dpt ipagpsalmat.
      mhiya ka nmn.

      • stupid ka ba? basahin mo uli ang statement ko – hindi ko sinabi bastardo – tinatanong ko kung bastardo ang baby dahil hindi sila kasal. ANG LAKI MONG TANGA!

      • haha. natatawa ako sayo. di mo “sinabi” or “say” in english pero tinanong mo lang or “ask” in english. isn’t it you say something before you ask? paano ka magtatanong kung di ka magsasabi? kumag ka pala eh. halinghing ka nga.

      • e2 pa isang bobong tanga – mag-aral ka muna ng ng proper english bago ka mag-criticize. mali-mali na ang grammar mo, hindi ka pa marunong sa mga figure of speech. napaghahalata ka tuloy bobong tanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.