Lian Paz, buntis!

PATULOY NA IDINEDENAY ng EB Babe na si Lian Paz ang balitang buntis siya. Pero isang very reliable source ang nagkukumpirmang two months na ang tiyan ng girlfriend ni Paolo Contis. Ayon pa sa aming source, nakasabay pa niya si Lian nang magpa-check up ito sa isang OB Gyne. At habang nagtsitsikahan sila ng iba pang soon-to-be-moms na nandoon, may nakapagbanggit nga raw na buntis din itong si Lian.

Balitang naka-indefinite leave na rin si Lian sa Eat Bulaga. Walang malinaw na dahilan na nakarating sa showbiz press. Pero ang usap-usapan, gusto raw itago ni Lian ang pagbubuntis sa mata ng publiko. Sa puntong ‘yon, walang masama, kung ang nais ni Lian ay magkaroon ng privacy ang kanyang bagong pamilya.

Dasal na lang ng marami, hindi makaapekto ang cyst sa ovary ni Lian sa kanyang kalagayan ngayon. Matatandaang inamin noon ng girlfriend ni Paolo ang sakit niyang ‘yon. Umaasa rin ang malapit kina Paolo at Lian na ang pagbubuntis na ito ng dancer-singer ang maging daan para magkaayos naman ang aktor at ang kanyang ina. Nagkaroon ng misunderstanding ang mag-ina nang maging mag-on sina Paolo at Lian.

Isang malapit din kay Paolo ang nagsabing excited na itong maging isang ama. At handang-handa na ito sa susuunging bagong estado sa buhay.

by Eric Borromeo

loading...

13 thoughts on “Lian Paz, buntis!

  1. Naalala ko tuloy sa Showbiz Central, tinanong si Pao kong si Lian na talaga ang pinaka-huling babae sa buhay nya. Sabi ni Pao “yes” tapos lumabas na “it’s a lie” hahaha.

    Question is napikot or nagma-mahalan ba sila talaga? Nakaka-tawa na deny-deny pa sila noon, e lalabas naman ang katotohanan hahaha. Pero syempre, don’t judge, baka forever naman sila mag-sama till sa pag-tanda nila, we never know diba :).

    I’m not against Lian, pero mas bagay si Isabel kay Paolo :). Maganda yong dating ni Isabel, super sophisticated… unless na masama nalang ang ugali or hindi lang talaga sila compatible ni Paolo sa isa’t- isa, kaya nag-break sila? Or becuase of Lian talaga and the baby? But who knows and who cares, mga tsismosa at tsismosa lang tayo hahaha, LOLZ ;)

  2. Hai nakoh .hindi kawalan sa showbiz c lian paz! .haha . .d naman xa artista. .dancer lng xa. . .and oo nga .mukha xang makati .lol. .cna isabel at paolo nga. .ang tgal2 ng relationshp nla peo hnd nbuntis c isabel. .taz etong c lian. .obvious na gustong gusto. .haha

  3. wahhhhhhhhhhhhh
    sya ang nging kaagaw ko dati s bf ko nung
    dpa sya artista……un lng
    huhuhu

    but…if ever to2o gudluck!!!

  4. tanung ko lang d ba itong babae ang ex ni mark herras kaso si herras ang umayaw kasi nakita ng tatay ni herras na may kasamang lalaki si paz.

  5. Ay para mo nang awa, pwede ba?! Di siya isang major celebrity. Kaya lang siya sikat ay dahil sa bf niya. Kahit di niya itago, no one could care less kesyo buntis siya o hindi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.