LGUs, Posibleng Kasuhan ‘Pag Kumontra sa Mining Act

PAPANAGUTIN SA batas ang lokal na pamahalaan na maglalabas ng ordinansa na kokontra sa Philippine Mining Act na ipinasa ng Kongreso.

Ito ang binigyang-diin ni Justice Secretary Leila de Lima sa inilabas na legal opinion ng kagawaran na pumapabor sa legalidad ng pagpapataw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng administrative sanction sa mga opisyal ng local government unit (LGU) na lalabag sa mga nakasaad sa batas.

Ayon kay De Lima, sakop nito ang mga LGU na lalabag sa mga alintuntunin lalo na sa mga kumpanyang nais pumasok sa mga kontrata sa gobyerno para tumulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng industriya ng pagmimina.

Nilinaw mismo ng kalihim sa legal opinion na hindi ipinagbabawal sa ilalim ng Mining Act ang operasyon ng open-pit mining sa bansa.

Nauna rito, ipinagbawal ng South Cotabato ang open-pit mining sa kani-lang lugar na dahilan para maantala ang simula ng operasyon ng $5.9 bilyong Tampakan copper-gold project.

Nabanggit din ni De Lima na maaaring parehong kumilos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at DILG sa paglabag sa Mining Act.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.