LGUs Kapit-Kamay sa Posibleng Kalamidad

PARA MABAWASAN ANG posibleng pinsala na idudulot ng mga paglindol sakaling gumalaw na ang Marikina Fault line at lupit ng bagyong Ondoy, nagkaisa ang pitong Local Government Units na magdaos ng workshop planning.

Ang workshop na tinawag nilang Disaster Risk Reduction ay ginanap sa Sentrong Pangkultura ng Marikina City na dinaluhan ng mga representatives ng  pitong LGU na binansagang “Alliance of Seven Congregates”.

Ang mga ito ay binubuo ng Marikina City, Quezon City, Antipolo City, Pasig City, Cainta, San Mateo at ang Rodriguez (dating Montalban) na siyang nangangalaga sa Marikina Watershed.

Kasama sa topic sa nasabing workshops ang pagpoprotekta at pagpepreserba ng Marikina watershed at ang kahandaan sa mga kalamidad tulad ng mga pagbaha at landslides mula sa mga kabundukan.

Sinabi ni Marikina Mayor Del de Guzman na dapat magkaisa ang nasabing LGU’s na grabeng tinamaan ng bagyong Ondoy para maiwasan ang matinding perhuwisyo.

“All of us, the worst hit a-reas and the respective LGU’s need to work together for improved coordination, policy harmonization, development of socio-friendly livelihood alternative and settlements that will provide protection as well as development of the watershed and its environments.

We the city government hope that with this alliance, we can better address the concerns and provide solutions to pressing  problems such as the looming danger of flooding,” ani de Guzman.  (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.