LGU’s na may open dump site bilang na ang mga araw

MALOLOS CITY – BILANG na ang araw ng iba pang mga bayan sa lalawigan ng  Bulacan na  walang patumanggang nagtatapon ng basura kung saan-saan lamang, ito ang naging babala ni Department Of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Director  Ms.Lormelyn Claudio, makaraang  dumalo sa  dalawang araw na Seminar Workshop na ginawa sa Governance Center ng Hiyas Convention Center, kasama  ang lahat ng  BENRO at MENRO sa nabanggit na  probinsya.

Sa exclusive interview ng Pinoy Parazzi kay Ms. Claudio, ipinagmalaki nito na sa 24 na bayan kabilang ang tatlong lungsod, kung saan 15 Open Dump Site ang naipasara na ng kanyang tanggapan sa pamamagitan na rin aniya ng tulong  ng  mga local na opisyal ng Municipal Environment and Natural Resources at ng Bulacan Environment and Natural Resources.

Sa tala ni Atty. Teddy  De Belen ng Provincial BENRO dumalo sa  dalawang  araw na Assessment and Planing Workshop,sa problema ng basura, ang mga opisyal ng Local Government Unit, ng Valenzuela City,Caloocan City, San Jose del Monte City, Marilao,Obando,Sta.Maria at Meycauayan City.

Bukod dito pinag-usapan din kung papaano mabibigyan ng proteksyon ang mga ilog na nasasakop ng mga nabanggit na bayan at siyudad.

Ayon pa kay Dir.Claudio,kanilang  kakasuhan ang  mga  taong mahuhuli sa aktong  nagtatapon ng kanilang mga basura sa mga ka ilugan, at mga open damp site, aniya malinaw na paglabag sa Republic Act 9003 na Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Iminungkahi naman ni Engr. Roberto D.Sreen Regional Director ng National Capital Region, na dapat ng tumalima sa ipinag-uutos ng kagawaran ng DENR ang mga Lokal na pamahalaan,upang makatugon sa panawagan ni  Sec. Ramon Paje, na ipagpatuloy ang pagtatanim ng mga punong-kahoy at iwasan ang pagkakalat ng basura,bilang suporta  na rin sa problema ng Climate Change sa bansa.

Bunsod nito, inirekomenda ni Reg-3 Dir. Claudio at Engr. Robert ng  NCR, ang pagtatapon ng segregated na basura sa first class na tambakan ng basura na matatagpuan sa San Jose del Monte City, ang VGP Sanitary Landfill, na anila’y kumpleto sa pasilidad mula pa sa foreign countries na aprubado ng Department of Environment and Natural Resources.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.