Leviste, sinubpoena ng DoJ

MAGING SI Batangas Vice Gov. Mark Leviste ay ipina-subpoena na rin ng Department of Justice (DoJ) kaugnay ng nakumpiskang 84 kilo na illegal drugs mula sa isang rancho sa Batangas na pag-aari ng pamilya.

Lumalabas sa isang pahinang subpoena na nilagdaan nina DoJ Assistant State Prosecutors Juan Pedro Navera at Irwin Maraya, kabi-lang sa pinatatawag sa preliminary investigation ay sina: Conrad Leviste, ama ni Vice Gov. Leviste at kakambal ni dating Batangas Governor Antonio Leviste; Benny Orense, administrator ng LPL Ranch Estate at ang Corporate Secretary ng LBJ Development Corporation.

Batay naman sa hiwalay na subpoena, ipinatatawag din ng DoJ si Jorge Gomez Torres alyas Jorge, na siyang umupa sa bahagi ng LPL Ranch kung saan nasamsam ang iligal na droga noong nakaraang Kapaskuhan.

Sinasabing si Torres ay hinihinalang utak ng sindikato ng iligal na droga at pinaghahanap ng mga kinauukulan.

Napag-alaman na una nang pinatatawag ng DOJ si dating Batangas Governor Leviste sa nasabing pagdinig na gagawin sa Huwebes, Enero 9, 2014.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.