LEVEL UP NA: Kim Chiu, mas daring sa pelikula nila ni Dennis Trillo!

Kim Chiu and Dennis Trillo

BONGGA ang naisipan ng Regal Entertainment na pagsamahin ang tila hindi inaasahang tambalan sa pelikula na sina Kim Chiu at Dennis Trillo.

Via the film “One Great Love” mula a direksyon ni Eric Quizon, madami ang excited sa bagong tambalan sa pelikula.

Si Kim kasi, identified kina Xian Lim at Gerald Anderson kung pelikulang pang-romance or usaping pag-ibig ang topic.

Si Dennis naman, iba rin ang nakasanayan ng publiko na nakakapareha sa kanyang mga projects.

Mas sexy ang timpla ng mga pelikula ng aktor na nagki-click naman sa mga manonood.

Kim minus Xian or Gerald; and Dennis minus his usual leading ladies na sexy, madami ang mae-excite sa bagong mag-screen partners.

Balita namin, mukhang mature ang role ni Kim sa pelikula nila ni Dennis. It’s not just a romance-love story kundi may mga bed scenes or love scenes ang dalawa ayon sa mga sources namin sa loob ng produksyon.     

I’m sure excited si Kim nito. For a change, one or two steps higher na ang level niya bilang artista pag nagkataon.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.