Let the Tween Story begin!

DINAGSA NG SANDAMAKMAK na tagasuporta, na karamihan ay teenagers, ang premiere ng Tween Academy: Class of 2012 sa SM Megamall Cinemas 9 and 10 noong August 20. Kumpleto ang tween cast na kinabibilangan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas, Louise delos Reyes, Alden Richards, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Lexi Fernandez, Derrick Monasterio, Yassi Pressman, Elmo Magalona at ang sexiest woman in the world na si Sam Pinto. Naki-join din sa premiere night sina

Sarah Lahbati at Ynna Asistio na may cameo roles sa movie. Dumating ang parating inili-link kay Elmo na si Julie Anne San Jose kung saan kasabay nito ang binata ng namayapang si Francis M. Bagamat hindi kasama sa main cast, may cameo role din ang dalaga. Halos lahat naman ng tween stars ay tinilian ng kanilang mga fans, pero pinakamalakas ang tilian kina Barbie, Joshua, Bea, Jake, Louise, Alden at Elmo. May mga namataan ding nakatutuwang eksena ang aming makukulit na kamerang-gala kaya huwag nang palampasin at makipila na. Let the tween story begin!

Photos by Ricky Agapito, Mark Atienza & Luz Candaba

By MK Caguingin

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Let the Tween Story begin!

  1. HOY! Excuse me…… wag mo ngang sbihan c barbie ng nega! FYI! May napatunayan na sya. BEst new actress sya noong 2009. At paano mo naman nasabing maldita si barbie aber???

  2. TUMIGIL TIGIL NGA ITONG SI BARBIE NEGA FORTEZA AKALA MO SIKAT NA SIKAT NA EH WALA PA NAMAN MASYADONG NAPAPATUNAYAN SA INDUSTRIYA ANG MALDITANG BATA

Leave a Reply

Your email address will not be published.