Lester Llansang, humintong magtrabaho sa bar

Lester-LlansangNATUTUWA KAMI for Lester Llansang, dahil siya na ang sidekick ni Coco sa Ikaw Lamang bilang nagtatrabaho sa sakada. Alam n’yo bang “ginto” na sa kanya ang mag-MMK, dahil ‘yung talent fee niya rito ay malayo na ang nararating.

Ngayon pang me regular na siyang teleserye, eh ‘di mas bongga pa. Kaya hindi na muna nagpupupuyat sa pagkanta-kanta si Lester sa maliliit na bar (sa halagang P1k per night), “Ayaw po ng staff na napupuyat ako. Ako rin po, ayoko rin, kaya pansamantala ko munang hininto ang paggi-gig ko.”

Sa mga hindi nakakaalam, me anak na si Lester at me misis na, kaya kayod-marino ang bagets. “Sobrang laking blessing sa akin nitong ‘Ikaw Lamang’, kaya sobrang thankful ako kay Ms. Cherrie Pie, dahil nakita niya ‘ko, siya ang nag-recommend sa akin dito!”

Sana nga, tuloy-tuloy na ‘yan, Lester. At sana, matupad ng Star Records ang iyong pangarap na maging isang recording artist. Naks!

 

Guwapong aktor, uma-attend ng presscon na parang nakatira

 

BLIND ITEM: Marami ang nakapuna sa dating ng isang guwapong aktor na um-attend sa isang presscon. Pagharap nito sa movie press kasama ang iba pang nasa cast ay kapansin-pansing parang seryosong-seryoso ang mukha nito at tila bihirang ngumiti.

At ‘pag nagsasalita ay nakatingin ito sa malayo at parang tulala. Ano ba ‘tong batang ito? Ba’t lutang na lutang siya? Nakatira ba ito ng “something” bago dumating sa presscon?

Noon pa namin naririnig na itong batang ito ay tumitira ng “something” kaya minsang nagte-taping ito ng teleserye ay parang nawirduhan sa kanya ang staff, dahil parang hindi “normal” ang ikinikilos nito sa set.

Sana lang, magbago na ang bagets na ito. Sayang, ang husay pa naman niyang umarte. ‘Wag niyang gawing joke, joke, joke ang kanyang career. Baka maagaw sa kanya ang puwesto niya, siya rin. Ka-initial kaya niya ang tinitira niyang droga?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.