Lesbian Couples, Ikinasal sa QC

GINANAP SA loob ng Quezon City Circle noong Sabado ng hapon ang itinuturing na kasalan ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community.

Siyam na magka-sintahang lesbiyana  o tomboy ang ikinasal ni Rev. Cj Agbayani ng LGBT Christian Church.

Isang paraan anila ito para ipanawagan na gawing ligal sa Pilipinas ang same sex marriage, gaya sa mga bansang Australia, Canada at New Zealand.

Sinabayan naman ito ng protesta ng grupong tumutuligsa sa same sex marriage.

Samantala, ito ang kauna-unahang kasalan ng LGBT community na isinapubliko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.