Leptospirosis case sa bansa, lumulobo

 

INAASAHAN NA ng Department of Health (DOH) na patuloy pang dadami ang kaso ng leptospirosis matapos itong lumobo nang tatlong beses noong nakaraang linggo.

Sinabi ng DOH na posible pang tumaas pa nang tumaas ang kasalukuyang bilang kasabay na rin ng paghinto ng pag-ulan dulot ng Habagat.

Tinatayang umabot na sa 34 ang naitalang nasawi sa nasabing sakit mula Agosto 5 hanggang 22 pa lamang.

Kaugnay nito, hindi na magkamayaw ang tanggapan ng San Lazaro Hospital sa Maynila matapos dagsain ng mga pasyente ng leptospirosis kung saan ang ilan ay sa mga pasilyo nilagyan ng kama.

Samantala, sa East Avenue Medical Center, puno na rin ang mga ward ng pagamutan matapos makatanggap ng aabot sa 24 na kaso ng leptospirosis kada araw.

“Dahil sa dami ng kaso, kulang na kami sa bed space,” ayon kay Dr. Manuel Bueno ng EAMC.

Sa ngayon, hinimok naman ng DOH ang mga health center na manatiling bukas ngayong long weekend para asikasuhin ang mga pas-yente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.