Leon Guerrero at Dan De Belen

AKALA NG mga kaalyado ni dating Pangulong GMA ay magiging kakampi nila si Sen. Lito Lapid partikular sa ginaganap na Impeachment hearing sa senado.

Kaya naman dismayado sila nang bumoto kamakailan si Sen. Lapid kontra sa dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Sa bagay, may sariling dahilan itong si alyas “Leon Guerrero” kung bakit biglang naging kaisa siya sa adhikain ng mga senador na kaalyado ng Palasyo.

Tandaan, parekoy, na maging sa pelikula ay likas na palaban itong si Leon Guerrero. At sa totoo lang, matalino ito… alam ni Leon Guerrero kung kailan siya dapat lumaban at kung kailan hindi muna dapat lusubin ang kalaban!

Alam, parekoy, ni Sen. Lapid na suportado ng Amerika ang pamahalaang Aquino na lubusan namang sumusuporta sa pagpapatalsik laban kay CJ Corona.

At sa panahong ito na nililitis din sa Amerika ang kaso laban sa misis ni Leon Guerrero na si Marizza Lapid, hindi dapat gumawa ang nasabing senador ng anumang hakbang na hindi magugustuhan ng mga Kano.

Aderways, makukulong ang esmi niya roon sa Amerika! Hek, hek, hek!

Para sa mga nagtatanong, si Marizza Lapid ay natiklo sa Amerika dahil nagtangka itong ipuslit sa nasabing bansa ang halagang $50,000 na salungat sa patakaran sa Amerika na ang anumang halaga na sobra sa $10,000 ay dapat itong ideklara.

Alam ba ninyo, parekoy, kung saan itinago ni Marizza Lapid ang nasabing halaga? He, he, he, sa loob lang naman ng dalawa niyang medyas!

Natatandaan ko pa ang mahigpit na bilin ng aking lola noong unang luwas ko sa Maynila. Ayon kay lola, naglipana ang mandarambong sa Maynila kaya dapat daw na ang aking pera ay isiksik ko parati sa ilalim ng aking mga medyas!

Malay natin, parekoy, kung naniniwala rin si Marizza Lapid na maraming mandarambong sa Amerika kaya sa medyas niya isiniksik ang napakaraming pera! Hak, hak, hak!

Sa totoo lang, hanga talaga ako sa pagiging maingat ni lola pagdating sa pera. Kasi nang makita ko sa sampayan ang kanyang panty ay may nakatahi na maliit na bulsa. Ang tawag nito sa amin ay bulsita!

Ano kaya, parekoy, ang panty ni Madam Marizza, wala kayang bulsita? Hak, hak, hak!

 

MAY MGA tao na likas talaga ang su-werte sa buhay.

‘Ika nga eh, kung may iilan na mistulang tinototnak ng malas, mayroon namang mga tao na para bagang niroromansa ng buwenas. He, he, he. Isa na riyan itong si Dan de Belen ng Calabarzon.

Si De Belen, parekoy, ang nagsilbing bagman ng mga naging PNP Regional Director sa buong Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Meaning, sa mga panahong nakalipas, bago ka makapagpatakbo ng iligal na sugal, hubaran, putahan at kung anik-anik pa na iligal sa nasabing mga lalawigan ay kailangan mo munang mapatango si De Belen. Para protektado ka ng kapulisan!

At hindi naman mahirap kausapin itong si “Taba” De Belen. Dahil ilalatag lang naman niya sa bawat iligalista kung magkano ang lingguhang “tongpats” para sa RD at siyempre ang para sa kanya!

Si De Belen na rin ang nagbibigay ng budget para sa ilang taga media!

Lilinawin lang natin, parekoy, na wala ang ating pangalan sa “media blue book” ng bagman na ito!

Siyanga pala, kaya ko nasabing likas ang suwerte sa buhay nitong si Dan De Belen ay dahil ngayon pa lang ay kalat na naman ang balita… na si De Belen pa rin ang bagman ng bagong upo na PNP Regional Director ng Region 4-A na si C/Supt. James Abdres Birung Melad!

 

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood din ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa junbriones69@yahoo.com o CP No. 09321688734.

 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.