Stars Candid: Legs ni Shaina Magdayao, nakasisilaw!

Swerte nga namang nahuli ng ating kamerang gala si Shaina Magdayao sa taping ng Ruffa & Ai. Grown up na talaga ang baby sister ng soul siren na si Vina Morales. Serious na ang pag-atake niya sa karakter n’yang si Vira sa Kambal sa Uma. Kaya naman hindi nakapagtatakang magsunud-sunod ang projects n’ya sa Dos. Gaganap naman siya bilang Maribel dela Fuentes sa isang upcoming teleseryeng Rubi sa Hapontastic.

Hindi lang din karir ang umaariba kay Shaina. Halatang sumeseksi at gumaganda na ang dalaga. Kita mo naman ang legs – pang-men’s magazine! I’m sure maraming barako ang nag-aabang na sumunod si Shaina sa listahang Erich Gonzales, Kim Chiu at Maja Salvador ‘no!

By Faith Salazar, Photos by Allan F. Sancon

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Stars Candid: Legs ni Shaina Magdayao, nakasisilaw!

  1. NAKU NAMAN MAGAGALING KAYA YANG SINA ERICH KIM AT MAJA ! NOH !

    TATLONG PINAKA SIKAT AT MAGAGALING SA HENERASYON NILA ..

Leave a Reply

Your email address will not be published.