Legitimate Media Practitioners ang Puwede sa Absentee Voting – Comelec

KASALUKUYANG NILINAW ni Commission on Election (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na tanging mga lehitimong media practitioners lamang ang mabibigyan ng pagkakataong makaboto sa ilalim ng early voting for media sa darating na halalan sa 2013.

Sinabi ng opisyal na dadaan sa mabusising proseso ang pagtukoy sa mga tunay na mamamahayag dahil posibleng may magsamantala sa naturang proseso.

Gayunman, itatakda pa ang pagbabalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) tungkol sa early voting ng media para maging panuntunan ng media entity, broadcast, print at maging ang online media.

Samantala, itinalaga naman ng Comelec en banc ang local absentee committee upang siyang ma-

ngasiwa sa pagbalangkas ng IRR. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.