LEGAL NA SINGILIN

AKO PO AY nag-apply sa isang ahensiya para makapagtrabaho sa Dubai. Ang alok po sa aking suweldo ay katumbas ng P45,000.00 bawat buwan. Pero ang sinisingil po sa akin ay P60,000.00 bilang placement fee at para raw sa gagastusin nila sa documentation. Legal po ba ang placement fee na ito?

Wilma ng Bayawan City

AYON SA BATAS, ang placement fee ay hindi dapat hihigit sa isang buwang sahod mo sa abroad. Malinaw na labis-labis ang placement fee na P60,000.00 sa suweldo mong P45,000.00. Hindi puwede ito.

Pero linawin mo rin kung kasama sa P60,000.00 ang mga pag-process sa iba mo pang dokumento. Legal kasi ang paniningil ng ahensiya para sa iba pang dokumento mo. Narito ang ilan sa mga dokumentong iyan:

1. Pasaporte

2. NBI/police/barangay

clearance

3. Authentication

4. Birth Certificate

5. Medicare o Philhealth

6. Trade test kung kailangan

7. Bakuna kung required sa abroad

8. Gastos sa medika

Tiyakin mo lang kung magkano ang aktwal na nagastos ng ahensiya mo. At lagi kang hihingi ng resibo.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

One thought on “LEGAL NA SINGILIN

  1. ako po c marian asawa ko po c melchor alarcon gus2 ko lang po idulog sa inyo  ang trabaho ng asawa ko dahil napagbintangan po siya ng palcipication of time binigyan po siya ng punishment na masuspende for 2 weeks pinirmahan nya po e2 na tangapin ang suspensyon nya mtapos po ang 2 weeks sa kagus2han nya na makabalik sa trabaho dahil may binubuhay siya pamilya at alam nya na wala sya mabigat na ksalanan matapos ang 2 weeks pumasok po siya muli at cnabihan po siya na terminate na siya ano po ba dapat namin gawin sir tulfo ?? gus2 ko po sana mag pumunta diyan sa programa nyo para mabigyan ng aksyon sana po maintindihan nyu ang kalagayan namin at gusto ko mabigyan ng hustisya ang binigay nila sa asawa ko  gus2 nila ang asawa ko ng isang buwan na sahod at 13th month pero d pumirma asawa ko dahil nka 7 years na po siya sa trabaho niya at mababaliwala ang serbisyo nya hinde lang po ang asawa ko ang ginaganito  nila madami na rin ang tinangal sa ksamahan nya anu po ba dpat namin gawin yun lang po umaasa po kami na mbasa nyu ang konti mensahe na ito marami salamat po sir tulfo !!

Leave a Reply

Your email address will not be published.