Legal Actions vs Survey Firms, Tatalakayin ng Comelec

BINABALANGKAS NA ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang en banc session ang magiging legal na hakbang laban sa mga survey firm na hindi nagsumite ng kanilang listahan ng financiers at sponsors noong election period.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na nabigyan na nila ng sapat na panahon ang mga kumpaniyang ito ngunit bigo pa ring makapaghain ng mga kinakailangang dokumento.

Bagama’t hindi tinukoy ng opisyal ang magiging parusa, pero tiyak aniyang mahaharap sa problema ang mga ito kapag binigyan na ni-lang ng ultimatum.

Sa ngayon, lumalabas na walang lumabag sa campaign spending dahil ang may pinakamalaking ginastos sa kampanya na si Cagayan Rep. Jack Enrile ay nagdeklara lamang ng P150 milyon habang ang maaaring gastusin ay P156 milyon.

Naniniwala rin si Brillantes na kung papasok ang data ng mga nagkomisyon ng survey, pati na ang online campaigning at iba pang pamamaraan na may kaugnayan sa kampanya ay lilitaw kung sino ang mga lumabag sa kanilang patakaran.

Samantala, ang mga matutukoy na hindi nagdeklara ng tama sa financial records ay kakasuhan ng perjury, pagmumultahin at hindi makauupo sa puwesto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.