Leeg Ng Paslit, Nabali Sa Caimito

HINDI AKALAIN ng isang 10-anyos na batang lalaki na sa pagnanais matikman ang matamis na caimito ay ito ang magiging mitsa ng kanyang buhay nang mahulog siya sa puno nito sa Ilocos Sur.

Kinilala ang paslit na nasawi bunsod ng pagkabagok ng ulo na si Nelson Adolfo, residente ng Brgy. Paratong, Vigan City at grade 4 student sa Paratong-Bulala Elementary School.

Sa kuwento ng ilang nakasaksing paslit, hindi nakuntento ang biktima na sungkitin ang bunga kaya umakyat ito kahit pinigilan.

Subalit sa kamalasan ay nabali ang sa-ngang tinutuntungan kaya naman nahulog ito dahilan para mabagok ang kanyang ulo at mabali ang leeg.

(S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.