Lee Min Ho, gustung-gusto ang pagiging passionate ng Pinoy fans

HINDI PA rin humuhupa ang Korean fever sa bansa. Ramdam na ramdam talaga ang init ng pagtanggap ng mga Pinoy fans sa mga Korean artists. Nilagnat na naman ang libu-libong die-hard K-Pop lovers nang dumating kamakailan sa bansa ang hottest Korean heartthrob na si Lee Min Ho para sa kanyang first ever world tour concert series at the SM Mall of Asia Arena. This was his second time to visit the country after his Meet and Greet for Bench last year.

Sino ba naman kasi ang hindi nakakakilala kay Lee Min Ho? He makes every girl’s heart flutter with his deadly charm. Siya si Gu Jun-pyo, ang astig na leader ng F4 sa hit Korean drama series na Boys Over Flowers, si Jeon Jin-ho who pretends to be gay in the series Perfect Match, at si Johnny Lee sa City Hunter who wants to take revenge for his father’s death.

At ngayon ay sumabak na rin siya sa mundo ng musika with his first album, My Everything. Nagkaroon ako ng pagkakataon na siya ay ma-interview sa Bandila. Tinanong ko siya what is it about his Filipino fans that he loves the most? “Filipino fans are very passionate. When I was here last time, I saw that and I really wanted to come back here again to see it,” sagot niya in Korean.

Kung hindi maiiwasan at kinakailangan raw niyang pumili ng isang role na malapit sa kanyang puso, ito ay ang karakter niya sa City Hunter. “There was a scene there where I just kept crying and crying, thinking of my father. That scene was very close to my heart.”

Walang duda na magaling siyang umarte with all the acting awards he received pero pinatunayan ni Lee Min Ho na may ibubuga rin siya pagdating sa pagkanta. He explained why he decided to pursue a career in music. “Since the TV show Boys Over Flowers, I’ve been attending a lot of fan meetings and on those occasions, I would sing once in a while just for fun, just to entertain the fans. This is not a serious pursuit of becoming a singer. This is really more of a gift that I want to give to the fans.”

Ayon sa kanya, ang Almost Paradise mula sa Boys Over Flowers ang kantang makapaglalarawan sa kanya. “The song is close to my heart because it’s part of the show that really catapulted me into fame, which was Boys Over Flowers. It’s the song that I could use to kind of make an appearance or I could just pop up and that song will play.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.