LEAP Software, Mag-aangat sa Kalidad ng Pag-i-Ingles ng Pinoy

IANGAT ANG kalidad ng pagsasalita at pagsulat ng Ingles nating mga Pilipino ang tunay layunin ng isang software na nilikha ng Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) na inilunsad nitong Scince Week.

Sinasabi na iniukol ang software na ito upang maging mahusay ang pagsasalita ng Ingles ng mga mamamayang nais magtrabaho sa mga business process outsourcing o call center. Ngunit nang una itong ilunsad, nagkaroon ng interes ang akademya at industriya ng paggawa, pati na rin ang mga taga-DSWD.

Ayon kay Dr. Rowena Cristina Guevara, Executive Director ng PCIEERD ng Department of Science and Technology, naungusan na natin ang bansang India sa voice BPO, ngunit ‘di pa ito sapat dahil marami sa ating mga guro ang hindi pa rin bihasa sa Ingles.

Layunin na maikalat ang LEAP o Learning English Application for Pinoy sa mga paaralan, maging elementarya, haiskul, kolehiyo at mga callcenter na maliliit upang maging competitive muli ang Pinoy sa larangan ng pagsasalita ng wikang Ingles.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.