Leandro Muñoz: Once a Leading Man, Always a Leading Man

MATAGAL-TAGAL DING NAWALA sa sirkulasyon ang isa sa paboritong leading man ng ABS-CBN noon na si Leandro Muñoz. Isa siya sa bini-build up noon ng Dos kasabay nina Piolo Pascual at Diether Ocampo bilang isa sa pinaka-importanteng artista ng network. Bigla na lang nilisan ng binata ang showbiz para lumipad at manirahan sa USA. Ang dahilan? Hindi na raw niya kaya pang isakripisyo ang pagiging ama sa anak niya na si Francesca, na ngayo’y 17 years old na. Oo, ang pagiging binatang ama ni Leandro ang naging sanhi ng kanyang paglayas sa bansa.

Ilang buwan lang ang nakararaan, bumalik muli sa bansa si Leandro para tanggapin ang proyektong inalok sa kanya ng TV5. Ito ay ang The Sisters, ang unang teleserye ng dating Starstruck alumna turned Kapatid princess na si Nadine Samonte. Mukhang sobrang bilib pa rin ang Singko sa star quality ni Leandro kahit pa matagal na itong nawala sa mata ng madla, huh? Too good to be true rin siguro ang kontrata nito kaya agad-agad itong napabalik sa aktingan.

Patapos na ang teleseryeng The Sisters at bali-balitang ‘exclusively dating’ na sila ng leading lady niya na si Nadine Samonte. How can that be? Marami ang nagsasabing gimik lang ito, pero confirmed na matagal na pa lang hiwalay ang dalawa sa kani-kanilang mga jowa. Kinalasan na ni Nadine ang kanyang longtime businessman boyfriend at split na rin si Leandro sa kanyang non-showbiz GF na based sa Amerika.

Sa ngayon ay mukhang masaya at kuntento naman ang aktor sa pamamalagi muli sa showbiz. Ang balita pa nga’y leading man din siya ni Arci Muñoz sa bago nitong panghapong serye. Teka, hindi ba awkward na parehong Muñoz ang apelyido ng magkapares?

Isa si Leandro sa artistang may tindig na pang-leading man talaga at hindi naman ito magpapatalo sa aktingan. Kung maipagpatuloy lang niya ang ganitong gawain, malamang ay mas malalagpasan pa niya ang tinamasang kasikatan noon. Go for the Nadine… este, go for the gold!

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

By Micah Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.