Leakage sa NBI Probe Result, Iimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN NA ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima kung sino ang posibleng nag-leak ng kopya ng NBI investigation findings kaugnay sa nangyaring shooting incident sa Atimonan, Quezon.

Ayon sa kalihim, maging ang Pangulong Aquino ay malinaw ang utos sa National Bureau of Investigation (NBI) na huwag isapubliko nang maaga ang kopya ng report hangga’t hindi niya ito natatanggap.

Una nang umalma si Police Supt. Hansel Marantan sa lumabas na mga ulat hinggil sa nilalaman ng resulta sa isinagawang pagsisiyasat.

Sa isang pahayag, sinabi ng police official na mistulang niluluto na umano nang nasabing ulat ang isipan ng publiko kaugnay sa nangyari.

Una nang nailathala na kabilang umano si Marantan sa pinakakasuhan ng NBI hinggil sa shooting incident.

Giit pa nito na “unfair” umano ang nasabing mga impormasyon dahil wala naman aniyang ipinapalabas pa na official report ang NBI sa imbestigasyon.

“Kaya nga sad at galit ako sa leakages na ‘yan because I repeatedly give that instruction on NBI working on that report thru Director Rojas, no premature disclosure of any of the contents of the report. Mga nababasa natin sa diyaryo from NBI source. Doon kami nababanas ni Rojas, it’s an explicit instruction from superiors,” ayon kay De Lima.

Samantala, sa panig ng kalihim, naniniwala naman itong bahagi ng panininira sa liderato ni NBI Dir. Nonnatus Rojas o maging sa kanyang tanggapan ang paglabas ng naturang reports.

Inaasahan na maisusumite ng NBI sa Palasyo ang kopya ng reports nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.