Leader ng Rado Gun for Hire Group, Arestado

DAHIL SA “Oplan Salikop at Oplan Big Bertha” hindi na nagawang makatakas pa ng kilalang leader ng “Rado Group” na sangkot sa  iba’t ibang kaso tulad ng Robbery Hold-up, Gun for Hire at Drug Trafficking kahapon sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi, Bulacan.

Ganap na alas-10:00 ng umaga nang madakip ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group at Provincial Public Safety Company na pinamumunuan naman ni P/Supt. Ross Alvarado.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Rodolfo Santiago-ll hepe ng CIDG-bulacan kinilala ang suspek na si Noel Rado Y Crisostomo, 48 anyos, alyas Noel Rado Y Domingo, residente sa nabanggit na barangay.

Ayon kay SPO1 Paraiso chief Investigator at PO1 Santos Jr. halos isang buwan din nilang isinailalim sa surveillance ang tahanan ng suspek.

Nabatid na pinasok ng mga awtoridad ang bahay ni Rado, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Ma. Theresa Mendoza-Arcega ng Branch-17 Malolos Regional Trial Court.

Nakumpiska mula sa ta-hanan ng suspek ang isang cal. 45, cal. 9MM, cal .32, at cal .22 rifle, isang hand granade, isang rifle granade, at iba’t ibang uri ng mga bala. Bukod dito, nakakumpiska rin ng 25.297 na gramo ng Shabu na may halagang P150,000.00.

Samantala, agad dinala sa Bulacan Crime Laboratory ang naturang droga, habang isasailalim naman sa balistic test ang mga nakuhang baril, at isinailalim na rin sa drug test ang suspek.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang suspek sa CIDG detention cell habang inihahanda ang patung-patong na kaso laban sa kanya. Samantala, nauna nang nadakip ang mga kasamahan nito na sina Jonel Cristel Rado, Lindo Legaspi, Rodel Saroca at Cecilia Galera.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.