Leader ng NPA at Misis, Tiklo sa Marikina City

ARESTADO NG mga kinauukulan ang intelligence officer ng New Peoples Army (NPA) at ang misis nito na kasapi rin ng rebeldeng grupo ng pinagsanib na puwersa ng 8th Infantry Division ng Philippine Army at ng Catbalogan PNP sa may Brgy. Fortuna,Marikina City.

Kinilala ni 8th ID Commander, MGen. Gerardo Layug ang nadakip na NPA leader na si Juan Paolo Rodrigo Versoza aka Cocoy at ang asawa nito na si Grace Versoza aka Lennon.

Sinabi ni Layug si Juan Versoza na ang siyang Intel officer ng Samar Provincial Party Committee ng NPA, habang ang misis nitong Grace ay miyembro ng Eastern Visayas Regional Party Committee bilang staff production bureau.

Nadakip ang mag-asawang NPA base na rin sa inisyung warrant of arrest dahil sa kasong crime of robbery with homicide.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Eastern Police District ang mag-asawang rebelde at nakatakda nang i-turn-over sa korte sa Samar.

Naniniwala rin naman si Layug na malaking kawalan sa NPA ang pag-aresto sa mag-asawang Versoza.

Samantala, sinabi ng heneral na ang pag-aresto sa mag-asawa ay bunsod sa mga ibinibigay na impormasyon ng mga sibilyan sa militar.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.