Leader ng hold-up group, patay sa mga pulis

PATAY ANG ISANG leader ng hold-up group habang nakatakas ang mga kasama nito matapos makipagbarilan sa mga pulis nang matunton ng mga huli ang hide-out ng mga una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Blandino Bansalan, alyas Bosing, 35 ng Phase 8-B, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-4 ng hapon, pinuntahan ng mga pulis ang pinagkukutaan ng grupo sa nasabing lugar kung saan papasok pa lang ng bahay ang mga una ng salubungin ng mga putok.

Gumanti ang mga pulis at nang matahimik ay nakitang nakabulagta si Bansalan habang nakatakas naman ang mga kasama nito na tumawid sa creek sa likod ng bahay.

Si Bansalan ang sinasabing leader ng Bansalan Group na sangkot sa mga holdapan, guns-for-hire at droga.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.