Leader ng Calambas Group, Nadakip

NADAKIP NA ang sinasabing leader ng Calambas Group na sinasabing sangkot sa carnapping sa Caloocan City at kalapit-lugar kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Michael Calambas, 32, ng Phase 8, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-2:15 ng hapon nang dakpin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang suspek sa tapat ng kanilang bahay sa bisa ng Alias Warrant of Arrest ni Judge Lilia Mercedes Encarnacion Gepty ng Valenzuela RTC Branch 75 sa kasong Carnapping with Homicide.

Ayon kay Chief Insp. Marlon Santos, hepe ng CIDG Camanava, si Calambas at hindi pa kilalang kasama ang humarang kay Gerardo Nepomuceno, 61, sa Balubaran Road, Malinta ng lungsod noong alas-12:30 ng umaga, Setyembre 6, 2011.

Binaril at napatay ang biktima bago tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ni Nepomuceno.

Nagtago si Calambas nang malamang binabaan ng warrant of arrest hanggang matiyempuhan ng mga pulis kahapon.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.