Lead Prosecutor sa Poll Sabotage Case Kontra CGMA, Pinalitan

PINALITAN NG Commission on Elections (Comelec) ang pangunahing prosecutor sa kasong electoral sabotage laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo, isang linggo bago ang trial proper.

Sumipot sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 si Atty. Ferdinand Rafanan, Director for Planning ng Comelec, bilang bagong lead prosecutor. Itinalaga siya nito lamang Lunes.

Dati ring Director for Legal Office ng Comelec si Rafanan bago ilipat sa Planning.

Ito ang tatayong lead prosecutor sa mga electoral sabotage case na isinampa ng Comelec laban kina Gng. Arroyo, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at dating Maguindanao provincial elections supervisor Lintang Bedol.

Samantala, sa susunod na Huwebes itinakda ng korte ang unang araw ng trial proper kung saan ihaharap ng Comelec ang dalawang election officers bilang witness.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.