Lea Salonga, nakiusap na tigilan na ang isyu sa kanila ni Sharon Cuneta

“WALANG DAPAT IHINGI ng sorry si Sharon sa akin, dahil wala namang siyang ginawang mali.”

Ito ang pakiusap ni Lea Salonga sa publiko, dahil naaalarma na raw siya sa mga nababasa niya sa tabloid at sa mga  usap-usapan patungkol sa kanila ni Sharon Cuneta.

“Hindi ko alam ang nangyayari. Ang alam ko lang, kumanta kami at nagkita sa dressing room, and wala na. Wala akong natatandaan nangyari na nang-snub si Sharon.”

Nakiusap din si Lea na huwag nang idamay sa issue si Aga Muhlach, dahil nakakadagdag lamang ito sa mga usapin at tsimis.

“Wala namang ginawang mali si Aga at hindi rin naman nangyari ang mga tsismis na lumabas sa mga newspaper. Ay, naku! Tsimis kasi is tsimis.”

Sa bawat pahayag ni Lea, makikita ang pag-aalala nito, at paminsan-minsan ang pagkagulat sa mga tanong ng press. At sa kabila ng ingay, dumating naman ang anak ni Lea na si Nicole at yumakap sa ina. Nabanggit din ni Lea na sana raw,  matuloy na ang pelikula nila ni Aga Muhlach.

Nahirang si Lea bilang isa at only Asian celebrity judge sa Online Voices Competition, kung saan 60 countries around the globe ang maglalaban-laban. Kabilang sa mga judges na makakasama ni Lea sina six-time Grammy awardee Fergie, legendary songwriter Diane Warren, Grammy nominated singer/songwriter Natasha Bedingfield, and Brazilian popstar Ivete Sangalo. Sa 2011 sa New York, USA gaganapin ang grand finals.

Sa Amerika na magse-celebrate ng Christmas si Lea sa family side ng husband niya, at muling babalik ng Pilipinas bago mag-New Year’s Eve para rito naman sa family side niya mag-celebrate ng Bagong Taon.

JUST NOW: MUKHANG nagiging seryoso na si Jericho Rosales na ligawan muli si Heart Evangelista. Ganu’n pa man, may nararamdaman pa kaya si Heart para kay Jericho? Ano sa tingin mo, Sebastian…?

SA NGALAN NG Pag-ibig, ang bagong pelikulang ipo-produce ni Cesar Montano next year, under CB Productions, at ang bida rito ay si Anne Curtis na temang musical daw ang dating ng independent film na ito… mapapakanta kaya si Anne?

The Lion’s Guard
by Gary de Leon

Related Post

loading...

2 thoughts on “Lea Salonga, nakiusap na tigilan na ang isyu sa kanila ni Sharon Cuneta

  1. -…..tsismis is tsismis, xmpre as an artist, kelangan ng tsismis para mapag-usapan just like sharon, aga and lea…. sa totoo lng you need that para mapag-usapan and an opportunity to talk with press and makapag plug ng show ninyo,

    -…..i thought heart is already in a happy relationship, bakit pa eeksena si jericho rosales?

    -……. hmmmmm, kelangan na ni anne, i overtime nag vocal lessons nya, siguradong mapapakanta siya….
    in fairness ha, si anne lng ang di nawawalan ng projects and movies, hmmmmm, ma alaga ang viva sa kanya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.