Lea Salonga, nag-react sa pagkataklesa ni Kris Aquino?!

TOTOO NGA KAYANG tsinugi ang beauty ni Lougee sa Eat…Bulaga! dahil sa unprofessionalism?

Nagiging pasaway na raw kasi ang hitad kaya naman hindi na raw nagdalawang-isip ang TAPE, Inc. na alisin na sa cast ng nasabing noontime show ang dalaga.

Ang balita namin, nag-iinarte na raw itong si Lougee at palagi na lang nagmamadaling umalis kahit na hindi pa tapos ang Eat…Bulaga! Para raw hindi mapakali ang dalaga kapag malapit nang matapos ang show. At kahit na nga raw hindi pa talaga naggu-goodbye ang noontime show sa ere ay nakalabas na raw ng studio itong si Lougee.

Ang isa pa raw sakit ng ulo sa dalaga ay ang hindi nito pagsipot sa mga rehearsal para sa show. Palagi na lang daw itong late kapag may rehearsal o kaya naman ay hindi na lang ito aapir sa practice.

Naku, trulili ba itetch, Lougee?

NAG-REACT DAW SI Lea Salonga sa pagso-sorry ni Kris Aquino sa pamilya Gutierrez noong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Kris at Ruffa Gutierrez.

May nagparating sa amin ng tsismis na nag-post daw ng shoutout itong si Lea sa Facebook account niya ng ganito: “She should check her behavior on a regular basis so that apologies like this would never have to be uttered in the first place.”

Kung totoo man na ito ang reaction ni Lea, hindi siguro niya napigil ang sarili niya na hindi magbigay ng kanyang saloobin sa mga pangyayari.

Ito naman kasing si Kris, ginawang excuse ang kanyang pagiging taklesa palagi.

NAGDALAWANG-ISIP PALA SI Anne Curtis na na tanggapin ang isang pelikula with Sam Milby.

“To be honest, yes, may hesitation. Siyempre, alam mo ‘yon. Siyempre nandoon ‘yung fear to work with him again or kung anuman,” esplika ni Anne sa presscon ng Babe I Love You.

Maging si Sam ay may pagdududa. “For me, it wasn’t too much of a doubt kasi we’ve a past. First couple of days, parang nagdududa ako. But it came out a good thing. Si Direk Mae (Cruz), kilalang-kilala niya kami. She knows us and I think we’re very open to Direk Mae about everything,” say ni Sam.

Noong sila pa, love-hate ang relationship nina Sam at Anne. Nagdeadmahan na sila noong first shooting day nila.

“’Yung preparation namin noong una, hindi nagpapansinan. Eventually, ang sabi ni Direk Mae, nakikita niya sa monitor ‘yung mga little nuances. ‘Hmmm, magkakabalikan naman ang mga ito’,” tsika ni Anne.

“More than anything, I think, at that time, we owe it to our fans who waited for so long. So ito ‘yung first baby step namin. Our director is helping us out in the personal department para matuloy ‘yung movie. It’s really a journey talaga. I think it’s a blessing that it came to our life. Kasi kami ni Sam, we started on a clean slate, hindi na kami enemy,” dagdag ng dalaga.

Ipinagdiinan ng dalawa na walang reconciliation na nangyari sa kanila while shooting the movie.

“Never naman kaming umaamin, hindi kami super open book when it comes to that. Siguro that’s how we’d like to keep it kasi nagkaroon din ng time na masyadong naging open and it got a lot of mess. So ngayon, I think it’s safe to say na kung ano’ng meron kami, what you see is what you get na lang. It’s a fresh start. Who knows what will happen. It’s just safe to say that we’ll never close our doors,” say ni Anne.

He said, “Actually, kung nagkabalikan na kami? We’re not together. But as I’ve said, we’re taking it day by day. We started on a clean slate. Kung may chance? May chance naman. Siya ang deepest love ko. I mean, ang tagal na ng relationship namin, talagang marami kaming pinagdaanan,” esplika naman ni Sam.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleCristy Fermin, mang-aagaw?!
Next articleDerek Ramsay at Angelica Panganiban, ‘di apektado ng photo scandal!

No posts to display