LBC at Western Union sa Cavite, Magkasunod na Hinoldap

MAGKASUNOD NA hinoldap ang sangay ng LBC at Western Union sa Molino, Bacoor, Cavite kahapon.

Sinabi ni Cavite Police Chief Inspector Engel Perez na unang pinasok ang sangay ng Western Union at isinunod ang LBC makaraan lamang ang 10 minuto.

Hindi aniya bababa sa anim ang nangholdap sa Western Union, habang tatlo ang umatake sa LBC.

May hawak nang dalawang salarin ang mga awtoridad habang patuloy na tinutugis ang iba pang responsable sa panloloob.

Inaalam pa ang kabuuang halagang natangay sa LBC at Western Union.

Samantala, susuriin na rin ang closed-circuit television (CCTV) cameras ng dalawang sangay para matukoy kung nahagip ang mukha ng mga holdaper.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.