Law Student, patay sa hazing

BINAWIAN NG buhay ang isang first year Law student sa San Beda College sa isang pagamutan sa Cavite dahil umano sa hazing.

Sinabi ni Police

Superintendent Ulysis Cruz, hepe ng Dasmariñas City Police na nasawi habang ginagamot sa De La Salle University Medical Center (UMC) ang 20-anyos na nakilalang si Mark Andrei Marcos.

Nagtamo ito ng mga pasa sa likod, mga braso at hita.

Ayon naman sa tiyuhin ng biktima na si Atty. Jose Vener Ibarra, nagpaalam ang biktima na gagawa lamang ng project noong Sabado, pero hindi na ito nakauwi at hindi na rin matawagan.

Base sa pagsisiyasat, alas-2 ng ma-

daling-araw kamakalawa naganap ang nasabing hazing sa isang lugar sa nabanggit na lungsod.

Dinala na sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory ang nasabing biktima para sa autopsy habang inaalam na ng mga kinauukulan ang nasa likod ng natu-rang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.