Lauren Young at Rafael Rosell, Ober Da Bakod na sa Siyete!

BULUNG-BULUNGAN SA apat na sulok ng Showbiz ang balitang magiging certified Kapuso na raw sina Lauren Young na kapatid ng ex-Starstruck Batch 2 na si Megan Young, at girlfriend ni Elmo Ma-galona, at ang isa ay si Rafael Rosell.

Magiging manager daw sa GMA-7 ni Lauren ang mother ng kanyang boyfriend na si Pia Magalona. Balitang nakipag-usap na sa pamunuan ng GMA-7 at kinakasa na kung kailan ito pipirma, kaya naman sa pag-oober daw bakod ni Lauren ay marami ang nagsasabing ito na ang magiging bagong kapareha ni Elmo sa GMA-7, lalo na’t in real life naman, mag-sweetheart sila.

Samantala ang magiging first project daw ni Rafael sa GMA ay ang pagiging ka-lovetriangle ng bagong tambalang Marian Rivera at Dennis Trillo sa Pinoy adaptation ng sikat na sikat na Temptation of Wife. 

Bali-balita pa na si Lauren daw ang magiging bagong ka-loveteam ni Elmo. Sino naman daw ang magiging bagong kapareha ni Julie Anne San Jose? Hindi kaya isa kina Kristoffer Martin, Derrick Monasterio o ang kamag-anak ni Elmo na si Hiro Magalona na balita ring crush si Julie Anne?

Well, ‘yan ang ating aalamin sa mga susunod na araw.

 

BINAHA RIN pala ang 4 na miyembro ng UPGRADE Boy Band gawa ng habagat na nanalanta sa libu-libong Pinoy. Tsika nga ni K-Cee Martinez, ang leader ng grupo, lagpas-tao ang baha sa kanila sa Meycauayan, Bulacan. Mabuti na lang at may second floor sila at doon sila nag-stay ng kanyang kapatid at Tita.

Katulad ni K-Cee, taga-Meycauayan din si Miggy San Pablo na lumikas at pumunta sa bahay ng kanyang lola dahil binaha rin ang kanilang bahay. Samantala,taga-Calumpit, Bulacan naman at malapit sa ilog ang bahay ng pinaka-bunso sa grupo ng UPGRADE na si Ron Galang. Mabuti na lang daw at may 2nd floor din sila at doon nag-stay habang mataas ang baha sa kanilang 1st floor.

Nilubog din ng baha si Rhem Ejavi na nakatira naman sa Montalban, Rizal at malapit din sa ilog. Mabuti na lang daw at tumila ang ulan ng mga sumunod na araw dahil kung hindi raw ay baka lagpas-tao na ang baha sa kanila.

Sa ngayon daw, pababa na ulit ang baha sa kani-kanilang lugar at nagdarasal na lang na hindi na raw maulit ang pag-ulan nang sunud-sunod na araw nang sa ganu’n ay makaiwas sila sa sobrang taas ng baha na pare-pareho nilang 1st time na na-experience .

PALABAN ANG Philippine representative sa Miss World 2012 na si Queenierich Rehman matapos nitong mapabilang sa finalists ng Talent at Top Model competitions. Ginaganap ang naturang pageant sa Ordos, Inner Mongolia, China. Umani ng standing ovation ang kakaiba niyang talento sa beatboxing at pumasok sa Top 5. Naipamalas din niya ang kanyang ganda sa Top Model competition.

Sa interview kay Queenierich, nagkuwento siya tungkol kanyang beatboxing talent at sa tao na malaki ang impluwensiya sa kanya, ang popular American singer na si Justin Timberlake.

“Beatboxing is a skill where a person uses their mouth and throat to produce different kinds of sounds – imitating certain beats and melodies.

“The first time I heard Justin Timberlake beatbox in his music video, Rock Your Body in 2003, I was so amazed and thrilled to learn it. Finally, I recorded it in my phone and listened to it over and over again until I learned the basics. From then on, my beatboxing skills developed as I watched tutorials online, the rest was history.”

Mukhang this year ay malaki ang posibilidad na maiuuwi ng isang Pinay ang korona ng Miss World sa unang pagkakataon. Kailangan din ni Queenie ng tulong para makuha niya ang Multimedia Award ng Miss World. I-like lamang ang opisyal niyang Facebook fan page. Kapag nakuha ni Quene ang award na ito, magkakaroon siya ng karagdagang puntos para sa pangkalahatang pageant. Kasalukuyang pumapa-ngatlo siya kina Miss Thailand at Miss Nepal sa online votes. Mapapanood ang laban ni Queenierich Rehman sa Miss World Pageant sa Agosto 18, 5:30PM sa TV5.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

8 thoughts on “Lauren Young at Rafael Rosell, Ober Da Bakod na sa Siyete!

  1. tama kayo another claudine e2..alam nyo naman ang GMA kahit di nag rate na show pinagtyagaan, tapos ibalita sa AGB malakas ang rate haha..Si julie Ann kung ano-ano write ups pra lang pag usapan ni commercial wala naman..laki kasi ng bunganga at suwang.

  2. @John Fontanilla(Writer Kuno). MAgtrabaho ka nman hindi ung Copy & Paste Ka lang ng mga articles galing sa ibang entairtainment news.

  3. ANOTHER CLAUDINE BARRETTO NA NAMAN ANG MAGIGING CAREER NINA RAFAEL AT LAUREN SA KAPUSO HAHAHAHA! HINDI NA KAYO NADALA SA NANGYARI SA CAREER NI CLAUDINE? HAHAHA! HUMANDA NA KAYONG MALAOS!

  4. si rafaell pala yung blind item noon na isang big actor from kapamilya network na lilipat sa kapuso. BIG ACTOR talaga???? hahahahahahahahahahahaha good luck sayo rafaell, lubog na nga ang pinuntahan mo, lalo ka pang lulubog hahahaha! at dahu si lauren? sikat? naaaaaaaa! hahahahahahahha magiging starlet yan sguradong sigurado ako hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.