LAUREN YOUNG AT CHAREE PINEDA, NAG-AAGAWAN SA ‘MULA SA PUSO’?

MAG-O-OBER DA BAKOD na rin ba si Wendell Ramos na mula sa pagiging Kapuso ay magiging Kapatid na siya? From GMA-7 ay lilipat na ang guwapong actor sa TV5?

Ilang taon rin si Wendell sa GMA-7, more than 15 years, at isa na siya sa masasabing beteranong cast ng longest running gag show sa Pilipinas, ang Bubble Gang, pero nalaman nating wala pala itong network contract sa Siyete, kundi per show lamang.

Kamakailan lang ay pumirma ng bagong management contract si Wendell sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan, business manager rin nina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Jolina Magdangal, etc. Long overdue na nga raw ito, sabi ni Wendell, mula pa noong pumanaw ang manager niyang si Wyngard Tracy.

Pero at that time nang makausap namin si Wendell ay wala pang chika na lilipat siya sa Singko. Nitong 2-3 days ago lang sumabog ang balita.

Kung sakali mang may offer kay Wendell ang TV5 na network contract, malamang pag-isipang mabuti ni Wendell ang nasabing deal – if he shall stay with GMA or tatalon na siya sa istasyon ni Manny V. Pangilinan?

Nagtataka lang kami’t hindi pala nagkaroon ng network contract si Wendell sa Kapuso after all these years na kanyang pagiging loyalist sa istasyon.

Isa si Wendell sa kanyang generation of actors ang napanatili ang pagiging active in showbiz, guwapo at “yummy” pa rin. Tinatalbugan ang younger actors every two years kapag may Bench underwear fashion show, dahil wa itong kiyeme sa pagpapa-sight ng kanyang puwet in his T-back.  At higit sa lahat ay marunong umarte.

BIBA AT MAKULIT ang new child actress na si Angeli Nicole Sanoy, na binigyan ng magandang break ng GMA-7 via Magic Palayok with Carla Abellana, Geoff Eigenmann, and Cherie Gil.

Unang nakitaan ng potential itong si Angeli sa Grazilda ni Glaiza de Castro, and in no time at all, napansin siya ng executives sa pagiging biba nito, on- and off-screen, at binigyan ng bonggang role sa Magic Palayok na iikot ang istorya sa kanya at kay Carla na nagmamay-ari ng isang karenderya, at sa kakumpitensiya nilang resto owned naman ni Geoff.

Under the management na si Angeli ng DMV Entertainment ni Direk Manny Valera na humahawak rin sa careers nina Glaiza de Castro, Jean Garcia, Zoren Legaspi, Polo Ravales, Jennica Garcia, etc.

Iniintriga ng press si Angeli na may “kakumpitensiya” na raw si Jillian Ward na kapwa niya kid star sa Siyete, dahil sa good projects na binibigay sa kanilang dalawa. Intrigahin ba ang mga bagets? Hahaha!

Meanwhile, aside from Angeli, under Direk Manny na rin ang character actors na sina Richard Quan at Louella de Cordova, pati na si Regine Angeles, among others.

NEWSBITS: MULA SA pagiging long-time Kapamilya ay lilipat na rin daw sa Kapuso Network ang beteranang aktres na si Gloria Romero…

Sino ba talaga ang magbibida sa remake ng Mula Sa Puso (sa role dati ni Claudine Barretto) ng ABS-CBN – si Charee Pineda o si Lauren Young? Una naming narinig na it will be Charee, pero ang latest ay si Lauren na. Well, sa showbiz, hanggang hindi gumigiling ang kamera na sa ‘yo ang role, ‘wag na muna kasing ipagka-ingay, huh!…

Sino rin ba ang final na magiging leading lady ni Cesar Montano sa sitcom nito sa Siyete na Andres De Saya – si Iza Calzado o si Rhian Ramos?

For feedback, please email us at mell_navarro@yahoo.com.ph.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

5 thoughts on “LAUREN YOUNG AT CHAREE PINEDA, NAG-AAGAWAN SA ‘MULA SA PUSO’?

  1. Grabe namiss ko MULA SA PUSO, kasi i really love Rico Yan, at gwapo din ang bagong Gabriel.. Gwapo din si JM :) kakakilig.. ♥♥31♥♥

  2. we love WENDELL RAMOS naman,,,magaling na actor at gwapo nga,,,ok lang yan,,basta work lang naman kahit saan diba,,kala ko sa dos sya,,,

    di na ba nag sawa ang taga gma sa tandem nina geoff at carla at kahit sa tunay na buhay sila na,maging sa tv sila padin!hay nako,.

    i guess,,mapupunta kay JESY MENDIOLA ang role ni claudine,,at si ENRIQUE GIL AT IVAN DORSCHER ang leading men nito,,lets see,.

Leave a Reply

Your email address will not be published.