Launching movie nina Kris at Aljur, kikita kaya?

Parang kailan lang nang magsumite kami rito sa Pinoy Parazzi ng aming saloobin tungkol sa pag-elevate nina Aljur Abrenica at Kris Bernal to primetime status. Buong akala namin nu’ng una, sa mismong primetime talaga sila isasalang. Natakot ‘ata ang Siyete kaya sa 5:30 P.M. slot muna sila inilagay.

In fairness naman, hindi kulelat ang show. Kahit pa mas mataas ang rating ng kalabang programa ay hindi naman sila nalalayo. Maganda rin daw ang phasing ng storya at ok din ang supporting cast tulad nina Jay Manalo, Zoren Legaspi, Gelli de Belen, Manilyn Reynes at Lani Mercado. ‘Di rin naman pahuhuli ang mga bagets na sina LJ Reyes, Paolo Avelino, Stef Prescott, Jade Lopez at Jay Aquitania.

Magtatapos na nga ngayong linggo ang ‘All My Life’ at wala pa kaming naririnig na next project ng dalaga. Sa primetime pa rin kaya sila o ililipat ulit sila sa panghapon? Baka naman ipagpapahinga muna dahil hindi rin biro ang lagare nila.

Dahil sa matagumpay na Sinenovela nilang Dapat Ka Bang Mahalin, napagdesisyunan ni Mother Lily na sugalan ang tambalang ALKRIS. Ipalalabas na rin ang kanilang launching movie na pinamagatang Nandito Ako…. Nagmamahal Sa’Yo. Bentahe ng pelikula ang kanilang ‘you and me against the world’ na istorya (ilang beses na ba nating napanood ‘to?). Ipinakita rin ang ganda ng Bohol na talaga nga namang aabangan ng mga mahilig mag-sight-seeing d’yan. ‘Eto pa, ibinebenta rin nila ang pagpapaseksi ng dalawa. Maraming mga babae at bading ang nag-aabang sa naglalakihang muscles ni Aljur at meron din namang nagkaka-crush kay Kris na inaabangan ang kanyang swimsuit scene. Sa totoo lang, medyo hindi kami kumportable. Pati sa istilo nila na palaging naghahalikan oncam man or offcam ay hindi kami mapalagay.

Kunsabagay, kani-kaniyang diskarte naman ‘yan para mapansin ng mga moviegoers. Sana lang ay epektibo ang istayl nina Aljur at Kris kung ayaw nilang umiyak nang todo si Mother Lily!

Para sa mga katanungan at komento, mag-e-mail lang sa pinoyfansclub@gmail.com. Bisitahin din kami sa http://www.pinoyfansclub.com.

loading...

10 thoughts on “Launching movie nina Kris at Aljur, kikita kaya?

  1. Guyz fl0p ang m0vie sa premiere ni2..ha3 expected n nmn yan eh,gnwa png dhlan ung typh00n,kht my typh00n pa kung tlgng gs2 yan pn00rn,p2n00rn tlga yan..haha3

    Sh0cks nag sh020t n ng m0vie nla ang KIMERALD,un ang kaabang abang tlga,ung s iba wla lng!?ta0b tlga cla sa KIMERALD..sa L00ks,Skills,End0rsements,C0mmrcials and of c0urse Acting…haha3

    KIMERALD THE BEST N0.1 P0PULAR L0VETEAM.

  2. ngek2x!..cno bang mga to?..kilala ko lng ang guy na c aljur dhil sa tv patrol pero ung girl?nver heard..!…101% sure FLOP to..kawawang mother lily!!

  3. ay dapat pala mga kapisot magsimula na kayong mag-ipon ha kc bka magaya sa phenomenal negastar ang phenomenal loveteam kuno ha…bka si mother tuluyan ng isara ang regal..

  4. Kailangan pa bang itanung yan????

    Advise lang: Magtanim nalang kayo ng kamote, baka mas malaki pa kitain nyo dun.

Leave a Reply

Your email address will not be published.